Ang adobo ay mananatiling pagkaing pinoy lumipas man ang maraming taon, magpalit palit man ang presidente ng Pilipinas, dumaan man ang mga bagyo at mga sakuna. Mahirap man o mayaman ay paborito ang adobo kaya ito’y mananatiling tagapagbigkis sa mga Pilipino. Kapag ikaw ay pumunta sa youtube at hinanap mo ang “adobong manok”, mapapanood mo ang isang nakakaaliw na Amerikano na nagluluto ng adobo na gamit pa ang wikang Pilipino. Sa clip na ito linalahad ng isang Amerikano ang mga hakbang sa pagluluto ng adobo. Ang wikang adobo ay ginamit na titulo sa pelikulang “American Adobo” na tungkol sa limang Pinoy na naninirahan sa US. Isa itong kolaborasyon ng mga tao at kumpanya na may mahabang taong karanasan sa larangan ng entertainment. Ang pagkaing adobo kapag naririnig o napag-uusapan dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa ay siguradong nakaugnay sa mga lahing Pilipino kaya masasabing isa ito sa mga tatak ng pagiging Pilipino.

sources:
http://telebisyon.net/balita/American-Adobo-sabaysabay-ipapalabas/artikulo/128075/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Adobo
http://www.carinderia.net/adobo.html